5 Benepisyo Ng Breastfeeding Para Sa Mga Nanay

Mainam daw ang gatas ng ina para sa mga sanggol hangang dalawang taon. Pero alam niyo bang meron din itong benepisyo para sa mga nanay? Alamin kung ano-ano nag mga ito.
Photo by Wendy Wei from Pexels


Mas healthy. Napatunayan na ng mga pag-aaral na nakatutulong ang breastfeeding para maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit gaya ng cancer, diabetes, stroke at heart disease.

Matipid. Mas matipid ang pagpapa-breastfeed dahil readily available na ito kumpara sa pagbili ng mahal na baby formula.

Nakakapayat. Ang pagbi-breastfeed ay natural na nakakapag-burn ng 500 calories sa isang araw na mabisang paraan para mawala ang iyong “baby weight.”

Iwas stress at pagod. Syempre, ang gatas ng ina ang pinakamabisang pagkain ng iyong sanggol. Hindi mo na kailangan pang magpa-init ng bote o maglinis nito pagkatapos para iwas-stress at pagod.

Nakatutulong para makapagpahinga. Nabibigyang-pagkakataon ang mga nanay na magpahinga sa tuwing sila ay nagpapa-breastfeed. Isang bagay na kailangang-kailangan ng mga mommies lalo na sa mga unang linggo mula ng sila ay manganak.

Ang gatas ng ina rin ang pinakamabisang pagkain ng sanggol para hindi sila agad magkasakit. Kung walang sakit si baby, hindi na rin kailangang ma-stress ni Mommy sa pag-aalaga at pag-alala. Kaya naman, mahalaga ang pagpapa-breastfeed para na rin lumaking malakas at malusog ang ating sanggol.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section