ALAMIN: Mga 'Physical Signs' ng Stress (At Paano Ito Malabanan)

Marami sa atin, lalo na sa pangahon ngayon, ang nakakaramdam ng stress. Katunayan, isang malaking "factor" ng pagkakasakit ng isang indibidwal ang stress.

Pero, paano nga ba malalaman kung ikaw ay stressed na?

Ayon sa World Health Organization, naririto ang ilan sa mga senyales:

1) Sumasakit ang iyong ulo.

2) Sumasakit ang iyong tiyan o 'di kaya'y sinisikmura.

3) Masakit ang iyong gawing likuran.

4) Para bang may mabigat sa dibdib.

5) Masakit din ang leeg at "shoulder."

6) Nagkakaroon ng "tight muscles."

7) Para bang may nakabara sa lalamunan.

8) Hindi nagugutom.


May mga paraan naman para malabanan ang stress, ayon sa Mental Health Foundation UK. Naririto ang ilan:


1) Magpahinga.

2) 'Wag mong abusuhin ang iyong sarili.

3) Kumain nang masusutansiyang pagkain.

4) Mag-ehersisyo nang regular.

5) Huwag uminom ng alak at magsigarilyo.

6) Pagtuunan nang pansin ang iyong mga pangagailangan.


Sa pamamagitan ng mga tips sa itaas, pihadong malalabanan mo ang stress. Muli, huwag sobrahan ang pagtatrabaho o pag-aaral. Bigyan mo ng sapat na pahinga ang iyong sarili. DAVE CALPITO

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section