2 sanggol na nagkapalit, naibalik na sa tunay nilang mga magulang

Ni: Warren Jay Reynon

Nasa kani-kanila nang mga pamilya ang dalawang sanggol sa "baby-switching" na itinampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho / YouTube

Marami ang nag-abang nitong nakaraang linggo sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) kung magkakaroon na nga ba ng kalutasan ang unang documented na kaso ng "baby-switching" sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa latest episode ng KMJS nitong linggo, inilabas ang resulta ng pangalawang DNA test na isinigawa sa mga ina at mga sanggol, at lumabas na may maternity probability nga na 99.99998%.

Pinatutunayan lamang nito na naipalit ang sanggol nina Aphril at Marvin Sifiata sa inakalang anak nina Margareth Traballo at Kim Jasper Mulleno.

"Totoo 'yung lukso ng dugo," ani Aphril, "Nagpapasalamat po ako kay Lord kasi answered prayer po ito."

"Masaya rin po kami na makakauwi na sa tunay niyang pamilya 'yung baby na una naming naiuwi," dagdag ng kaniyang partner na si Marvin.

Inamin ni Aphril sa programa na may napansin siyang kakaiba sabay sa paghihinala niyang hindi niya anak ang naiuwi nilang sanggol.

Para matapos na ang kaniyang paghihinala, humingi siya ng tulong sa KMJS para kumpirmahin kung talaga bang iba ang sanggol na ibinigay sa kaniya sa ospital kung saan siya nanganak.

Naging kampante naman sina Margareth at Kim Jasper na sa kanila talaga ang naiuwi nilang sanggol mula sa ospital.

Matatandaang sumailalim na sa DNA test sina Aphril at ang baby nito na kaniyang pinaghihinalaang 'hindi' sa kanila. 

At ang resulta: Negative. Hindi nila anak ang sanggol, patunay na tama ang hinala ni Aphril simula pa lamang.

Sumailalim din sa kaparehong test sina Margareth at ang sanggol nito. Tulad kina Aphril, negative din ang naging resulta.

Ngunit, hindi pa nangangahulugang nagkapalitan ang dalawang pamilya. Para makumpirma kung talagang nagkapalitan sila ng sanggol, dapat sumailalim ang parehong mag-asawa sa isang confirmatory DNA test.

At ang resulta: parehong Positive. Parehong masaya ang mga pamilya ng dalawang sanggol at hindi gaya dati, wala nang pag-aalinlangan ang mga magulang at may kasiguraduhang maiuuwi na nila ang kani-kanilang mga anak.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang mga nars at ospital at nangakong magbibigay ng full refund sa dalawang pamilyang naging biktima ng baby-switching, ngunit itutuloy pa rin daw nila ang pagsasampa kaso laban sa ospital.

PANOORIN ANG VIDEO NG KUMPIRMASYON SA IBABA:

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section