Ni: Dave Calpito
May ilang mga tao na nais magkaroon ng mapuputing ngipin. Bukod sa pagpunta nang regular sa dentista, may iba pang natural na pamamaraan upang magkaroon ng mapuputing mga ngipin.Photo by Maksim Goncharenok from Pexels
Isa sa mga paraan na maaaring gawin upang maiwasan ang paninilaw ng ngipin ay ang pag-inom ng tubig pagkatapos kumain. Malaking tulong ang pagtatanggal ng anumang tirang pagkain upang makaiwas sa pagkabulok ng iyong ngipin. Maaari itong gawin kapag nasa labas, kung saan hindi ka makakapagsipilyo agad ng iyong mga ngipin.
Ang pagkain ng mga malulutong ay isa rin sa mga hakbang upang magkaroon ng mapuputing ngipin. Nakatutulong ito sa pag-alis ng mga duming kumapit sa ngipin. Ayon sa mga eksperto, mainam din ang pagkain ng mansanas dahil may taglay itong malic acid na may kakayahang mag-alis ng mantsa sa ating mga ngipin.
Ang bawat ngiti natin ay mas magiging matamis kung tayo’y may mapuputing ngipin. Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin para mapanatiling maputi ang ating mga ngipin.