Graduation. Panahon kung kalian masasaya ang karamihan. At marapat lang, ‘pag mga ganitong panahon, na kunan ang mga masasayang pagkakataon sa iyong buhay.
Para sa mga magulang, isa ito sa mga hindi malilimutang mga pagkakataon sa kanilang mga buhay. Isa itong napakalaking achievement.
Naririto ang ilang mga dapat isasaalang-alang nang sa gayon ay magkaroon ng perfect graduation pictures:
Pumili ng kamera na may malaking image sensor. Ang kamerang may ganitong image sensor ay sakto para sa mga madidilim na gymnasium o auditorium. Kailangan dito ng digital SLR. Kung wala ka noon, maaaring humiram sa mga kaibigan / kapamilya. Kapag may smartphone ka naman na may magandang kamera at mataas ang resolution, pwedeng-pwede siyempre.
Kailangan ding isasaalang-alang ang stability ng iyong kamera. Kahit pa mayroong features ang iyong kamera na kagaya ng “anti-shake” o “IS,” maigi pa rn kung stable ang kamera habang kinukunan ang mga captured moment ng graduation. Kung meron, magdala ng monopod.
Kumuha ng close-up o telephoto shots. Kapag pinapayagan namang lumapit sa entablado / sa iyong subject, mas magandang lumapit na lang para mas maganda ang resolusyon ng makukunang larawan.
‘Wag ding kalimutang kumuha ng mga candid shot pagkatapos ng graduation. Ang mga shot na ito ang masayang balik-balikan—larawan kasama ang mga kapatid, kaibigan, propesor at iba pa.
‘Wag ding kalimutang i-share agad ito online. Ang Facebook, Instagram at iba pang imag-sharing site ay napaka-accessible na puntahan upang mai-share ang mga graduation photos.
Sa pamamagitan ng mga tips na ito, nawa ay maging picture-perfect din ang isa sa mga hindi malilimutang pangyayari sa iyong buhay. #