Pebrero ng 2016 nang maging laman ng social media
ang kabutihang ipinakita ng isang crew sa isang fast food chain sa La Union.
Nakunan kasi ng larawan si Jemcy CariƱo habang sinusubuan niya ang isang walang
brasong lolo sa loob ng establisyemento.
![]() |
Photo Credit: Jollibee |
Ayon kay Jemcy, na anim na taon nang nagseserbisyo
bilang crew, nasa puso umano ng isang tao ang pagtulong. Noong mga panahong
nakunan siya ng litrato, hindi umano niya napigilan ang kanyang sarili na
tulungan ang naturang lolo sa kanyang pagkain noong nakita niya ito.
Bunsod ng pagiging matulungin, walang dudang umani
ng maraming likes, shares at papuri si Jemcy mula sa iba’t ibang mga indibidwal
galing sa iba-ibang panig ng mundo.
Napag-alamang isang palaboy ang nasabing lolo na
mula umano sa Dagupan.
Noong nakunan siya ng larawan sa kanyang akto ng
pagtulong, malapit na umano siyang magtapos noon sa kanyang pag-aaral sa
kursong Business Administration.
Pihadong malayo pa ang mararating ng katulad ni
Jemcy. Patunay siya na hindi hadlang ang iyong katayuan sa buhay upang
magbahagi ng iyong tulong sa iba – laluna iyong mga nangangailangan.
Tunay nga, si Jemcy ay isang huwarang indibidwal na
nawa ay sundan ng karamihan.
I-share ang nakaka-inspire na kuwentong ito sa iba.