Minsan,
sa dami ng ating mga responsibilidad—mga bills na binabayaran buwan-buwan, mga
anak na pinapag-aral, at rentang binabayaran—kinakailangan talagang dumiskarte,
lalo na sa panahon ngayon.
Sa kasalukuyan, ang ginagawa ng karamihan ay naghahanap ng mga alternatibong pwedeng pagkakitaan. Sila ang mga tinatawag na raketista. Gusto mo bang maging isa sa kanila? Hindi naman masama, lalo pa sa mga panahong kagaya nito.
Naririto ang ilang mga alternatibong trabaho o raket na pwede mong isama sa iyong listahan:
Sa dinami-dami ng mga blogsites na nangangailangan ng content ngayon hinggil sa iba’t ibang paksa, siguradong patok ngayon ang pagiging online writer. Ang maganda pa, hawak mo rito ang oras mo. Ang kita mo ay nakadepende rin sa sipag mong gumawa ng mga blogs. Maaari kang tumingin ng mga kliyente sa website na ito: www.manila.craigslist.com. Maraming mga legit online jobs dito. Tip lang: mag-ingat sa mga scammer. Maganda ring meron kang PayPal account para doon ise-send ang iyong sahod. Ang iwriter.com, fiverr.com, beta.paypercontent.net ay mga magaganda ring mga websites na puntahan mo. Legit ang mga ito.
\

Maging tutor.
Sa ngayon, in-demand ang mga English tutor. Kung may kakilala ka halimbawang Japanese na gustong matutong mag-Ingles, at kung marunong ka naman, pwedeng-pwede kang pumasok sa trabahong ito. Kung gusto naman ng tutee mo na through online ang klase, mas maigi iyon. Maaari ka-halimbang maging tutor ng 51Talk. Bisitahin lang ang kanilang website kung paano mag-apply. Ito ay isa sa pinaka-patok na online job sa ngayon.Maging online writer.
Sa dinami-dami ng mga blogsites na nangangailangan ng content ngayon hinggil sa iba’t ibang paksa, siguradong patok ngayon ang pagiging online writer. Ang maganda pa, hawak mo rito ang oras mo. Ang kita mo ay nakadepende rin sa sipag mong gumawa ng mga blogs. Maaari kang tumingin ng mga kliyente sa website na ito: www.manila.craigslist.com. Maraming mga legit online jobs dito. Tip lang: mag-ingat sa mga scammer. Maganda ring meron kang PayPal account para doon ise-send ang iyong sahod. Ang iwriter.com, fiverr.com, beta.paypercontent.net ay mga magaganda ring mga websites na puntahan mo. Legit ang mga ito.
Kumita sa pamamagitan ng iyong blogsite / website.
Siguro naman, pamilyar ka na sa mga blogsite o
website na mayroong mga nakapaskil na banner o advertisements ng iba’t ibang
produkto. Opo, pwedeng-pwede kang kumita rito. Ang kailangan lang ay
maipakilala mo ang iyong website sa napakaraming tao para marami ring audience.
Kikita ka rito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga advertisement at sa
pagbebenta ng mga produkto. Maging pamilyar sa Google Adsense at affiliate
marketing.
Magbenta online.
Maaaring kumita ngayon sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa
Internet. Ang eBay at craigslist ay sikat na lugar na pwedeng mag-buy and sell
ng mga produkto. Kahit nga sa Facebook, maaari ka ring magbenta ng mga
produkto. Patok ito ngayon dahil maraming mga taong ayaw lumabas dahil sa
pandemic. Ang gagawin mo, ide-deliver mo na lang sa kanilang mga tahanan. Ang
sikreto rito, pumili ka lang ng produktong naiiba sa karamihan at siguradong
papatok sa mga tao. Huwag mahiya, ito na ang uso ngayon.
Tandaan: para magtagumpay, hindi lang sapat ang abilidad. Kailangan din ng sapat na diskarte, sipag, at tiyaga para masiguro ang magandang buhay.
Tandaan: para magtagumpay, hindi lang sapat ang abilidad. Kailangan din ng sapat na diskarte, sipag, at tiyaga para masiguro ang magandang buhay.
I-SHARE MO NA ITO SA IYONG MGA KAKILALA AT KAPAMILYA.