PRODUCTIVE SA GITNA NG PANDEMIC: Mag-enroll Sa Libreng Online Courses ng e-TESDA





Sa pagputok ng krisis hinggil sa COVID-19 sa buong mundo, naghahanap ang mga tao ng pagkakaabalahan.

Isa na marahil sa pinakamagandang pagkaabalahan ng maraming mga mamamayan, partikular ng mga kabataan, ay ang pag-e-enroll sa mga free TESDA Online Courses.

Tama, ito ay libre at online. Ibig sabihin, hindi na kailangang pumunta pa sa training facility para mag-aral ng iba’t ibang skills o kurso na ini-o-offer ng nasabing ahensiya ng gobyerno.

Ilan samga iniaalok na kurso ay ang Bread and Pastry, Cookery, Housekeeping, IT courses, Agriculture, Massage Therapy, at marami pang iba.

Sakabuuan, ayon sa TESDA, 68 na mga libreng kurso ang pwedeng kunin ng kung sinomang interesado.

Ang maganda rito, hawak ng mag-aaral ang kaniyang oras sa pagkuha ng mga kurso. Maaaring kunin ang mga ito kung kalian available, kung kaya ang mga kursong ito ay “self-paced.”

Wala ring pinipiling edad ang e-TESDA o TESDA Online Program. Lahat ng mga Pilipino – mapa-estudyante, empleyado, walang trabaho, may-edad, at iba pa, pwedeng-pwede rito.


Ang maganda pa, mabibigyan pa ang mga mag-aaral ng Certificate of Completion.

Ngunit, kinakailangan namang pumunta sa pinakamalapit na TESDA Center para makakuha ng National Certification – na maaaring isagawa sakaling matapos ang community quarantine.

Para mag-register at mag-enroll, pumunta lang sa e-tesda.gov.ph. Sundan ang mga instructions doon para makapag-enroll. Kinakailangan mong mayroon valid e-mail address.

Ano pang hinihintay mo? Bisitahin ang nasabing website at maging produktibo. Good luck!

Post a Comment

4 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section