(Isinulat ito ni Dave Calpito noong Enero 2017 para sa pahayagang Daloy Kayumanggi)
Naaalala niyo pa ba ang isang larawan ng batang nag-aaral sa labas ng isang sikat na fast-food chain outlet gamit ang ilaw ng restaurant?
Siya si Daniel Cabrera -- ang pumukaw sa damdamin ng maraming mga tao at ang tinaguriang "The Boy Who Loves to Study," base sa titulo ng commercial na inilabas ng McDonald's nitong huling bahagi ng nakaraang taon.
Sadyang nakaka-inspire ang nasabing bata -- 'di lamang sa mga taong kasalukuyang nag-aaral kundi pati na rin sa mga taong may gustong marating sa buhay. Siya ang isang magandang halimbawa na hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang pangarap sa buhay.
Base sa nasabing commercial, mula umano nang naging viral ang larawang naipost sa social media, sunud-sunod na ang tulong na ibinigay sa kanya ng mga tao, kabilang na ang allowance na handog sa kanya ng McDonald's.
Sa ngayon, nasa Grade 3 na si Cabrera at kasalukuyang kasama sa top 10 ng kanyang klase.
Samantala, ang babaeng kumuha naman ng nasabing larawan, si Joyce Torrefrancia, ay nakatapos na rin ng kolehiyo at kasalukuyang
naninirahan sa Leyte. Salamat sa inspirasyong ibinigay sa kanya ng batang mahilig mag-aral, si Daniel, ang ating Ka-Daloy of the Month.