Tips Para Gumising nang Maaga

Isa sa mga problema, lalo na ng mga may trabaho na o nag-aaral, ay ang hirap sa paggising nang maaga.

Kung hanggang ngayon ay hirap ka sa ganitong senaryo, ang mga tips sa ibaba ay para sa'yo:

1) Ilayo ang alarm clock mula sa iyong tulugan -- Kadalasan kasi, kapag nag-a-alarm ang ating telepono, o ano mang ginagamit nating alarm clock, pinapatay rin natin ito agad hanggang sa hindi na ito muling mag-alarm pa (at late mo nang na-realize na ikaw ay huli na pala sa iyong pupuntahan).

2) Magdesisyong gumising nang maaga -- Ika nga nila, makapangyarihan ang ating utak. Kung halimbawang isinet mo ang iyong sarili bago matulog na kailangan mong gumising nang maaga, susunod ang iyong body clock. Babawasan nito ang pagpo-prodyus ng sleeping hormones.

3) I-adjust ang alarm clock -- Gawing mas maaga sa inaasahan mong wake up time ang iyong alarm clock.

4) Matulog nang sapat -- Matulog nang maaga. Kung kulang ang iyong tulog, baka maging mas iritable ka pa.

5) Maglaan ng bintana na pwedeng pasukan ng liwanag ng araw -- Sa pamamagitan nito, mas nagiging aware ka sa oras kinabukasan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section