Kapag tayo’y nalulungkot, madalas nating naririnig mula sa ating mga kapamilya o kaibigan: “‘Wag ka nang malungkot. Sige ka, papangit ka niyan.”
Photo by Daniel Xavier from Pexels
|
Kung kaya, isa sa mga kailangan nating isaisip tungo sa ikauunlad ng ating mga sarili: Maging masayahin.
Maging palangiti.
Ang pagngiti ay senyales ng kagandahang loob. Senyales din ito na positibo ang pananaw ng taong ngumingiti. At para sa ibang taong nakakakita sa taong ngumingiti, plus points ang pag-uugaling ito.
‘Wag ding kaligtaang tumawa.
Nakakawala ng stress ang pagtawa. Kung ganon, nakakabata nga.
Isa pa, nagpapalabas talaga ito ng tinatawag na good hormones o endorphins na mabisang panlaban sa lungkot o depresyon.
Kaya naman, maigi kung isama mo sa iyong listahan ang pagiging masiyahin at palangiti, nang sa gayon, ngayong bagong taon, bagong ikaw rin ang makikita ng mga taong nakapaligid sa iyo.