Paano Maiiwasan ang Sakit na Hika Sa Loob ng Bahay

Kahit madalas nakikita ito sa mga bata, hindi maikakaila na maski mga matatanda ay patuloy na pinapapahirapan ng hika. Ang mahirap dito ay maaaring atakihin ang may hika kahit nasa bahay lang. 
Photo by Kelvin Valerio from Pexels
Pigilan ang atake ng hika sa loob ng bahay sa tulong ng mga sumusunod:

Pigilan ang pagkalat ng mga amag.

Ang mga amag na kumakalat sa loob ng bahay ang isa sa nagdudulot ng hika sa mga tao. Linisin nang maigi ang buong bahay tapos iwasan ang basement, kung saan madalas kumakalat ang mga amag.

Labhan nang maayos ang mga punda at kumot.


Ang mga punda at kumot ay paboritong lugar ng dust mites na sobrang liliit na mga insekto na nagdudulot ng atake sa hika. Labhan ito nang maayos at maaari ring gamitan nang maligamgam na tubig. Balutin ito ng plastic upang hindi pasukin ng mga insektong ito.

Magsuot ng mask habang naglilinis.


Iwasang malanghap ang mga alikabok sa bahay habang naglilinis. Gumamit ng mask upang hindi atakihin ng hika.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section