Paano Kumita ng Pera Online? Alamin

"May pera sa Internet." 

Marahil, narinig mo na ang katagang ito. At kung hindi ka pa naniniwala, kailangan mo uling marinig ito: "Oo, may pera sa Internet." 

Sa panahon ngayon, marapat lang na dumiskarte. At isa sa maaaring makapagbigay sa'yo ng alternatibong pagkakakitaan ay ang mga trabaho o oportunidad na makikita mo sa Internet. 

Paano kumita ng pera online?

Naririto ang listahan ng mga gawaing maaaring makapagbigay sa'yo ng swerte at pera: 

1. Pagiging Online Writer

Marunong ka bang magsulat, partikular sa wikang Ingles? In-demand ngayon ang pagiging isang online writer. Sa ngayon, marami-raming mga online entrepreneurs / marketers na mayroong websites at nangangailangan ng mga artikulo para ma-promote ang kanilang produktong inilalako sa Internet. Sa mga website kagaya ng Craigslist, makakakita ka ng ilang mga kliyenteng nangangailangan ng manunulat. Pakatandaan lamang na mag-ingat sa mga manloloko. Kadalasan din, idinadaan sa PayPal.com ang bayad, at dahil madalas ay galing abroad ang mga kliyente, "dollars” ang ibabayad nila sa’yo. Kaya kailangan mong gumawa ng account dito para makuha mo ang perang pinaghirapan mo. Pwede mo ring i-try ang iwriter.com.

2. Kumita sa pamamagitan ng affiliate marketing 

Dito, kumikita naman ang isang indibidwal sa pamamagitan ng pagpo-promote ng isang produkto sa pamamagitan ng Internet, halimbawa sa kanyang website. Kumikita ang isang affiliate marketer sa pamamagitan ng komisyon na makukuha niya kapag nabenta ang isang produkto. Sa affiliate marketing, magandang maglunsad ng isang website. Ang ClickBank.com ay isang magandang site kung saan pwede kang mag-signup bilang isang affiliate marketer. Matuto kung papaano maging isang marketer sa kanilang website. 

3. Kumita sa pamamagitan ng pagba-blog

Muli, kailangan mo ritong gumawa ng iyong sariling blogsite. Marami rin namang ilang website, kagaya ng Blogger at WordPress, kung saan pwede kang makagawa ng sarili mong website nang walang binabayaran. Iyon nga lang, wala kang sariling domain (pero, para sa isang starter, pwede na ito). Kapag may blogsite ka na, pwede ka nang mag-upload ng iyong mga content nang regular. At kapag marami-rami nang mga tao ang tumatangkilik sa iyong blogsite, puwedeng-pwede ka nang tumanggap ng paid advertisements. May iba ring websites, kagaya ng payperpost.com, na binabayaran ka sa iyong bawat blog post, ngunit, kailangan mo lang ilagay ang isang partikular na link sa loob ng iyong artikulo. Muli, nababayaran ang isang blogger sa pamamagitan ng PayPal.com. 

Kung gusto mo namang malaman kung paano kumita ng pera sa pamamagitan ng Google Adsense, maraming mga tutorial sa YouTube na nagtuturo kung paano magsimula ng isang website at i-apply ito sa Google Adsense para magkapera. 

Marami-rami pang ibang mga teknik para kung paano kumita sa online. Ang kailangan sa panahon ngayon para kumita ng pera sa internet at para guminhawa ang buhay, ay maging madiskarte. Hindi sapat na may nalalaman ka kung pano kumita ng pera, kailangan mo itong gamitin, ngunit sa magandang paraan. DAVE CALPITO

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section