Ni: Dave Calpito
![]() |
Photo Courtesy: @erikadanicabautista/IG (via gmanetwork.com) |
Kasama si John Daniel delos Santos sa mga pinagpilian sa nasabing segment kung saan tampok ang mga tumanggap o nag-donate ng organs.
Ayon kay delos Santos, wala pa siyang isang taong-gulang nang magkaroon siya ng pilat sa isa sa kaniyang mga mata na maaari raw dulot ng alikabok o 'di naman kaya'y ng pagkusot sa kaniyang mata.
Sobrang hirap umano ng kaniyang naging kalagayan na nagbabasa gamit lamang ang isa niyang mata. Nakaranas din umano siya noon ng pagsakit ng ulo.
Kuwento niya, 2011 (taon kung kailan nasawi ang aktor) nang maoperahan siya. Noong taong iyon, walong taong-gulang pa lamang si delos Santos.
Bunsod nito, abot-langit ang pasasalamat ni delos Santos kay AJ at sa kaniyang pamilya.
"Sa parents po ni Kuya AJ, saka sa kaniya po mismo, maraming-maraming salamat po kasi napakalaking tulong po sa akin nung cornea niya po," ika niya.
Habang-buhay umano niyang pinasasalamatan ang nasabing pamilya dahil "malaking tulong" umano ito sa kaniya.