ni Dave Calpito
Hindi maitatangging, marami ang may interes sa pagnenegosyo. Kahit pa nakagradweyt na, meron pa ring ang maituturing na “calling” ay ang pagnenegosyo.
Hindi rin naman kasi maitatangging, kapag ikaw ay empleyado, lalo na sa Pinas, medyo kinukulang kung minsan pagdating sa pinansyal na usapin. Kaya ang nagiging “resort” ay magnegosyo.
Malay mo, dito ka susuwertehin. Malay mo, ito na ang magiging daan para makabili ka ng pinaka-inaasam-asam mong bahay at lupa.
Kung gayon, basahin ang mga sumusunod na tips:
Basahin ang success stories ng mga nagtagumpay sa negosyo.
Bakit kaya naging isa sa mga pinakamayaman sina Manny Villar at Henry Sy? Anu-anong mga taglay nilang pag-uugali? Kalimitan sa mga matutunan mo sa kanila ay ang pagiging matiyaga at madiskarte—na dapat mo ring taglayin.
Ialay ang iyong negosyo sa nasa itaas.
Gawin mo siyang business partner; ialay mo sa kanya ang iyong negosyo at sigurado, magiging successful ka sa iyong mga ninanais hinggil sa iyong negosyo.
‘Wag basta-basta mag-invest.
Kinakailangan mo munang pag-aralan ang papasukan mong negosyo bago ka susuong. Ang mga intsik ay namumuhunan sa mga negosyong maliliit ang tubo ngunit mabababa ang risk. Kaysa sa pupunta ka sa isang negosyo na kailangan mong magsakripisyo ng malaki.
Kailangan mong magkaroon ng lakas ng loob.
Kinakailangang maging positive lagi. At siyempre pa, kailangan mo ring samahan ng tiyaga at sipag.
Ano man ang iyong papasuking negosyo, tandaan na mahalagang pasok ito sa iyong interes (ibig sabihin, sa negosyong matutuwa ka) at ‘wag kalimutang ialay ito sa Panginoon.