Ang pagiging malungkot ay hindi nakatutulong sa iyo, bagkus ay nakakasira pa nga ito ng iyong buhay. Kung kaya, magdesisyong maging masaya, partikular na ngayong isa na namang panibagong yugto ng iyong buhay ang paparating -- ang bagong taon.
![]() |
Photo by Helena Lopes from Pexels |
Heto ang mga epektibong payo nang sa gayon ay maging mas masaya ka pa ngayong bagong taon:
Tumulong sa iba.
May siyentipikong eksplanasyon ang pagtulong sa kapwa bilang isang paraan para maging masaya ang isang tao. Ito’y dahilan sa endorphins na ipinapalabas ng katawan sa tuwing ika’y tumutulong. Pinapalakas din umano nito ang iyong katawan.
Makipaglaro sa bata.
Epektibo rin umano ito. Napababata nito ang iyong katawan. Makipaglaro ng anumang isports sa iyong anak, halimbawa.
Makipag-usap sa isang taong malapit sa iyo.
Katumbas umano ng pain reliever ang pakikipag-usap sa isang kaibigan o kapamilya. Nakakatanggal umano ito ng problema, gayundin ng sakit sa katawan.
Makisama sa mga taong may positibong pananaw.
Isa rin umano ito sa pinakamabisang pamamaraan kung paano sumaya. Kung maganda ang pananaw sa buhay ng mga taong kasama mo, siguradong maiimpluwensiyahan ka rin ng mga ito.
Sundin ang mga teknik sa itaas nang sa gayon ay maging masaya sa buhay. -- DAVE CALPITO