Epektibong Panlaban sa Stress, Alamin

Hindi na siguro bago sa’yo na makarinig ng ilang mga indibidwal na nag-give-up sa kanilang trabaho dahil sa ika nila ay stressful na environment nito. Opo, talagang gigive-up ang iyong katawan kapag masyado kang stressed sa iyong trabaho.

Photo by Nathan Cowley from Pexels

Kaya naman, ang sagot, ayon sa ilang mga eksperto, sa stress sa trabaho: Ehersisyo.


Kinakailangang malusaw ang stress hormones sa ating katawan nang sa gayon ay maiwasan ang mga sumusunod na sakit: thyroid malfunction, high blood pressure, heart disease, impaired memory at iba pa.


Ilan pa sa mga positibong epekto ng pag-eehersisyo ay ang mga sumusunod:


  • Nakagaganda ng mood.

  • Iniiwas nito ang isipan sa stress.

  • Nirerelax nito ang ating katawan.

  • Pinatitibay nito ang mga kalamnan at buto.

  • Tinutulungan nito ang katawan na malabanan ang pagod at stress.


Kaya naman, kada linggo, siguraduhing makapag-ehersisyo nang limang beses, 30 minuto bawat isa. Maaari kang pumunta sa YouTube para manood ng mga guided exercises na pwede mong gawin sa inyong bahay. -- DAVE CALPITO

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section