Narito ang ilang bagay ukol sa kapaskuhan na maaring hindi mo pa alam, ayon sa goodhousekeeping.com.
- Hindi nakasaad sa Bibliya na ipinanganak si Hesus sa ika-25 ng Disyembre – Kahit na ipinagdiriwang ito ng Simbahang Katolika sa petsa na iyon, hindi nakatala sa Bibliya ang petsang ito. Isinabay ito sa pagdiriwang na Saturnalia, na siyang sinabayan naman ng simbahan.
- Ang Christmas Tree ay galing din sa Saturnalia – Ang paglagay ng Christmas tree ay unang ginawa sa pagdiriwang ng Saturnalia, upang maging simbolo ng tagsibol sa panahong taglamig. Ang paglalagay ng Christmas tree ay unang ginawa ng mga Aleman, at siyang pinasikat ng Prinsipe Albert at Queen Victoria ng Inglatera.
- Ang pulang suot ni Santa Claus ay pinasikat ng Coca-Cola – Isang ad ng Coca Cola noong 1930s ang nagpasikat nito, at naging kulay ng kanyang damit mula noon.
- Si Saint Nicholas ang naging basehan ni Santa Claus – Mapagbigay, nagkukupkop at nagliligtas ng mga naparirawa sa landas, na kahit ang kanyang mga minana ay ipinamigay niya.
- Muntik nang maging pangalan ni Rudolf the red-nosed reindeer ang Reginald.
- Ang kantang “Jingle Bells” ay nagsimula bilang isang kantang pang-thanksgiving – at ang orihinal na titulo nito ay “The One Horse Open Sleigh,” na unang kinompose ni James Lord Pierrot. Nang ito’y inirelease ulit sa 1857, naging “Jingle Bells” na ang title na ito na pangpasko na ang tema.