Hirap bang mag-isip ng ibibigay na regalo sa mga lalaki? Mapa-exchange gift para sa empleyado, anak, asawa, boyfriend, o sino mang lalaki sa buhay, kamag-anak, katrabaho o nakakasalamuha, naririto ang mga ilang ideya.
![]() |
Photo by Nicole Michalou from Pexels
- Jacket o sweater – Kahit hindi malamig, mahalaga rin ito bilang pamporma.
- T-shirt – Kahit ito ay pangkaraniwan na regalo minsan, may mga lalaking gusto nito.
- Sapatos – Depende kung sinong lalaki ito, pwede itong sapatos, step-in, rubber shoes o formal shoes. Magandang ibigay, lalo na sa nag-oopisina, pumapasok sa eskwela o walang gaanong sapatos na isinusuot.
- Pang-ahit – Kung magbibigay ng ganito, siguraduhing magandang uri ang ibibigay, dahil ang isang magandang klase na pang-ahit na swabe at hindi madaling maluma ay mas mainam kaysa sa pack ng disposable razor.
- Bag – Sa mga nagtatrabaho man o hindi, maganda ang mga bag, lalo na kung maporma ito, maraming bulsa, matibay at hindi madaling maluma.
- Bluetooth speaker – Kung mahilig mag-soundtrip ang pagbibigyan mo, maganda ito. Ang kinaibahan nito sa MP3 player ay pwedeng gamiting speaker ito sa pamamagitan ng pagpair sa Bluetooth, bukod sa mismong maging MP3 player ito gamit ng SD Card.
- Wallet – Madalas malaspag ang wallet, kaya pwede rin ito. Siguraduhing maganda, malinis, at matibay ito.
- Protective casing – Dapat kilala mo ang pagbibigyan mo at alam mo ang model ng kanyang cellphone.
- Sumbrero – Pwede na kung exchange gift lang, ngunit kung may mas maganda kang ideyang ibibigay, mas maganda.
- DAVE CALPITO