Kung meron mang isa sa pinakasikat na vloggers sa YouTube, isa na maharil si Ivana Alawi -- isang half-Moroccan at half-Pinay na aktres at modelo.
Unang gumawa ng ingay si Ivana sa ilang teleserye, kagaya ng "Sino ang Maysala," "Araw-Gabi," pati na ang "Ang Probinsiyano" bunsod ng kaniyang daring roles at siyempre, husay sa pag-arte.
Kung tutuusin, bago pa lamang siya sa mundo ng vlogging, ngunit isa naman siya sa pinakamatagumpay.
Bukod kasi sa taglay na kaseksihan at kagandahan, mapapansin kasi ang pagiging malapit ni Ivana sa kaniyang pamilya -- partikular sa kaniyang ina at mga kapatid na sina Hash at Mona.
Sumikat lalo ang kaniyang YouTube channel dahil sa pranks at sinusubukang challenges kasama ng kaniyang pamilya at ilang kapwa celebrities at YouTubers.
June 1, 2018 nang magsimulang pasukin ni Ivana ang pagva-vlog sa YouTube.
Sa ngayon, mayroon na siyang 79 total videos sa kaniyang YouTube channel.
Ang kaniyang total views habang ginagawa ang artikulong ito ay umabot na sa halos 600 million at may total subscribers na 10.5 million.
At eto na: Ang kaniyang estimated monthly earnings ay tumataginting na 154.1 thousand US dollars o may katumbas na halos 7.5 milyong piso kada buwan. Wow na wow, 'di ba?
Ayon naman sa website na socialblade.com, meron na siyang estimated yearly earnings na $1.8 million o pumapatak na halos 87 milyong piso.
Nagustuhan mo ba ang artikulong ito? 'Wag kalimutang i-share ito sa inyong mga kakilala. -- DAVE CALPITO