Facemask na may mic at amplifier, naimbento

ni: Dave Calpito

Sa layuning masolusyonan ang hindi pagkakaintindihan ngayong panahon ng pandemya, may bagong naimbento ang isang kumpanya na facemask na may built-in na microphone at amplifier.

Image: Razer / YouTube

Ang N95 mask na Project Hazel ng Razer, isang gaming equipment maker, ay transparent din. Kaya, makikita ang bibig ng taong nagsusuot nito habang siya ay nagsasalita.

Bukod sa ito ay maganda nang pamporma, ito rin daw ay waterproof.

Meron din itong medical-grade respirators na kayang i-filter ang 95 percent na airborne particles.

Hindi lang iyan, rechargeable din ito sa pamamagitan ng case nito na kasama ng package. Sa mismong case na rin ito nadi-disinfect sa pamamagitan ng UV lights.

Source: GMA News

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section