Paano Mag-Enroll sa TESDA Online Program Ngayong 2021? Alamin

Ni: Dave Calpito

Isa ka ba sa mga nababagot na dahil sa community quaratine sa inyong lugar? Isa ka ba sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemic? Kung oo ang iyong mga sagot, puwes, maiging mag-enroll sa libreng mga online courses na ini-o-offer ng e-TESDA.

Paano Ang Enrollment Process?

Simpleng-simple ang mag-avail ng free online courses ng TESDA. Sundan lamang ang mga steps sa ibaba:

  1. Bisitahin lamang ang official website ng e-TESDA: ang e-tesda.gov.ph.
  2. Kailangan mong i-fillout ang online form, kung saan ilalagay mo ang iyong mga personal details, kabilang na ang iyong e-mail address kung saan ipapadala ang verification link.
  3. Sa iyong e-mail account, hanapin ang ipinadalang verification link ng e-TESDA. Kalimitan, nasa SPAM folder ito ng iyong account. Bisitahin lamang ito.
  4. Kapag nasigurado mo nang verified ang iyong account, pumili ng kursong gusto mong kunin. Pindutin ang enroll button.

Mga Requirements sa Pag-aaral

Ayon sa e-TESDA, kahit sino at kahit anong edad mo ay puwedeng mag-avail sa free online courses nito. Ang kailangan lang ay mayroon kang e-mail account, Internet connection, at siyempre, gadget na iyong gagamitin sa pag-aaral. Modular distance learning ang ini-o-offer ng e-TESDA, kaya hawak mo rin ang iyong oras. Kaya, kung ang availability mo lang ay tuwing gabi, puwedeng-puwede ito.

Kung gustong malaman ang mga offered courses, pumunta lang sa official website ng e-TESDA. Muli, ang website ay e-tesda.gov.ph. Ang kagandahan nito, meron ka pang mare-receive na certificate of completion.

Hindi dahilan ang pandemiya para hindi matutunan ang iba-ibang skills. Sa pamamagitan ng free online courses ng e-TESDA, siguradong maa-upgrade ang iyong mga kasanayan at kaalaman at mayroon ka pang tiyansang kumita ng extra o pagkakataong makapag-trabaho abroad, lalo na kung balik-normal na ang mundo.

Post a Comment

12 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
  1. Mayroon po bang course para sa motorcycle trouble shotting

    ReplyDelete
  2. San po magfillup ng registration

    ReplyDelete
  3. Good day mam/sir i would like to enroll a courses of Smaw NcII and ihave a I'd number tto complete the registration but I can't log in and it says ...no record..please guide and help me..k you.

    ReplyDelete
  4. kailan po ang enrollment ng TESDA

    ReplyDelete
  5. How po hindi kasi ako maka pasok sa endroll.

    ReplyDelete

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section