Ni: LOREEN DAVE A. CALPITO
Nag-viral kamakailan ang isang mag-aaral ng University of the Philippines-Diliman dahil sa taglay na katalinuhan. Ang General Weighted Average (GWA) kasi niya sa Academic Year 2020-2021 ay "flat uno" o 1.00 -- ang pinakamataas na gradong ibinibigay sa mga mag-aaral ng unibersidad.
Pumatok sa netizens ang achievement ni Sachika Azumi Saguisa, isang chemical engineering major, matapos i-post ng Gabay Isko, isang student organization sa unibersidad, ang listahan ng University Scholars para sa taong-panuruan, kung saan kasama ang pangalan, larawan, at mga grado ng mag-aaral.
Libu-libo na ang reactions at shares ng kaniyang viral na larawan.
Sa isang panayam ng pahayagang The Philippine STAR kay Saguisa, sinabi niyang hindi niya ine-expect ang kaniyang achievement.
"[B]ut I was hopeful," ika niya. "I felt like I had a chance kasi alam ko naman how hard I worked for those grades."
Kagaya ng inaasahan, maraming mga nagsulputang nakakatawang comments mula sa mga netizen para kay Saguisa.
Tinatawag pa nga siya ng ilan bilang "St. Sachika" dahil sa kakaibang taglay na katalinuhan. May netizen ding nag-share ng larawan ni Tiffany Uy na matatandaang nag-viral din dahil sa pagkakaroon na pinakamataas na GWA sa kasaysayan ng unibersidad mula noong World War II. Ayon sa netizen, si Saguisa ay isang "worthy opponent" ni Uy.
![]() |
Via: The Philippine STAR |
"Sobrang witty niyo," ika ni Saguisa sa isang panayam, kasabay ng kaniyang pasasalamat sa suporta ng mga netizen.
Ayon pa sa kaniya, nakakawala ng pagod ang mga komentaryo mula sa mga netizen. Dahil dito, sobrang natutuwa rin umano ang kaniyang mga kaibigan at kamag-anak.
"[E]specially my mom, who knows exactly what I’ve been through lalo na when I didn’t have friends yet,” ika ni Saguisa.
Noong nag-aaral siya sa CARAGA Regional Science High School, grumadweyt siya na may academic distinction na With Highest Honors. Dalawa ang kinuhang strands ni Saguisa, ang STEM at ABM, subalit ayon sa ulat ng The Philippine STAR, hindi niya natapos ang lahat ng units sa ABM, kung kaya kinuha niya ang BS Chemical Engineering sa nasabing kampus.
__________________________________
Anong reaksiyon mo sa istoryang ito? I-comment mo na sa ibaba. 'Wag ding kalimutang i-share ang artikulong ito sa iyong social media accounts.