Ang mukha ang isa sa mga pinakaunang parte ng katawan na makikita ng mga tao. Dahil dito, importanteng masigurong malinis ang iyong mukha.
![]() |
Photo by Ron Lach from Pexels |
Maghugas ng mukha tatlong beses sa isang araw
Kahit ikaw ay nasa bahay, may mga dumi pa rin na makukuha sa iyong paligid. Upang maalis ito, kailangan ng regular na paghuhugas at paglilinis ng mukha.
Huwag gumamit ng mga ordinaryong sabon
Ang mga ordinaryong sabon na ginagamit sa ibang parte ng katawan ay may mga active ingredients na masyadong malakas ang epekto para sa mukha. Gumamit ng mas sensitibong sabon.
Iwasang gumamit ng mainit na tubig
Nakakatuyo ng balat sa mukha ang mainit na tubig. Mas maiging gumamit ng malamig o lukewarm.
Panatilihing malinis ang iyong mukha sa pamamagitan ng mga pamamaraan na ito. Ito ay upang mas magandang tingnan ang iyong mukha kapag ikaw ay lumalabas.