Tips na Dapat Tandaan sa Panahon ng Tag-ulan

Ni: Dave Calpito

Tag-ulan na naman kung kaya’t payuhan ang mga kapamilya na maghanda para sa napipintong malalakas na ulan at baha sa Metro Manila at iba’t iba pang parte ng bansa. Narito ang mga kailangan nilang tandaan para sa panahon ng tag-ulan: 

Photo by brazil topno from Pexels

Radyo


Siguraduhing mayroong radyo kung saan maaaring pakinggan ang balita tungkol sa rescue operations at napipintong pagtila o paglakas ng uulan. Maaring gumamit lamang ng radyo na gumagana sa pamamagitan ng baterya. 

Baterya at Powerbank


Paniguraduhing puno ang baterya ng iyong smart phone at may sapat na laman ang power bank. Tipirin ang baterya ng selpon at siguraduhing may sapat na load para sa emergency. I-save na ang mga importanteng numero bago pa man ang bagyo. 

Tubig at De-Lata


Siguraduhing may sapat na tubig at pagkain para sa buong pamilya. Magtago ng pagkain na matagal bago mapanis. Magtabi ng kahit isang litro para sa bawat miyembre ng pamilya para sa isang araw.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section