Ni: Dave Calpito
Good news sa mga kababaihan, o 'di kaya sa mga mambabasa nating may kakilalang interestedo. Alam niyo bang offered ngayon for free ang kursong Beauty Care Services (Nail Care) NC II?
Ano ba ang pag-aaralan sa kursong ito? Ayon sa e-TESDA, matuturuan ang mga mag-aaral sa pagmamanicure at pedicure. They will learn how to perform hand spa and foot spa as well.
Sakto itong mga skills na ito kung gusto mong mag-apply ng trabaho, halimbawa sa mga salon. Oh, di naman kaya ay pwede mo itong gawing negosyo 'di ba?
Well, in-demand din ang trabahong ito abroad.
To enroll in this course, gumawa muna ng account sa official website ng TESDA Online Program, ang e-tesda.gov.ph. Kakailanganin mo ng email address to verify your account. Sa pag-aaral naman, puwede kang gumamit ng kahit anong gadget na may Internet, kagaya ng iyong cellphone. Kahit saan ka pa sa Pilipinas, o sa mundo, basta Pinoy ka, para sa iyo ang kursong ito. After mong matapos ang kurso, you will get a certificate of completion.
Now to get your NCII o National Certificate na kakailanganin when applying for a job, pumunta ka lang sa any assessment venue o center ng TESDA near you. Doon, kakailanganin po ang face-to-face assessment.
Mangyaring tumawag sa Tel. No.: (+632) 893-8297 o mag-email sa tesdaonlineprogram@tesda.gov.ph para sa iba pang mga katanungan. Maaari ka ring mag-comment sa ibaba! Marami na rin tayong mga uploaded articles sa ating website, kaifeed.com. Bisitahin mo lang ang ang mga ito kung may time ka.
Panu po mag enroll sa beauty care services?
ReplyDeleteHow
ReplyDelete