Ni: Dave Calpito
Masarap ang matatamis na pagkain. Nasanay na tayo dito dahil talaga ngang masarap sa panlasa at pakiramdam.
Photo by John Diez from Pexels |
Ngunit, ang matatamis na pagkain ay may sugar, at kapag ito ay labis na kinain, maaaring magdulot ng pinsala sa katawan, tulad ng diabetis at ang pagbigat sa timbang.
Anu-ano ang mga pinsalang maaring maidulot ng labis na pagkain ng mga matatamis?
- Pagtaas ng blood pressure, na maaaring magdulot ng sakit sa puso, stroke, kidney damage, at iba pa.
- Pagtaas ng bad cholesterol, na maaaring magdulot ng pagbara sa puso.
- Maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa utak, at maging sa memorya, lalo na sa pagtanda.
- Maaaring magdulot ito ng Alzheimers at dementia dahil ang taong mataas ang sugar sa katawan ay may mas mababang neurothropic factor (BNDF), na siyang ugat ng naturang kondisyon.
- Depresyon, dahil masasanay ang insulin sa sobrang asukal, at magkakaroon ng mas maraming pangangailangan ng asukal bago magrelease ng happy hormone na Dopamine, na lumalaban sa depresyon. Dahil dito, mas maraming matamis na pagkain ang kailangan mo upang maglabas ng mas maraming Dopamine, at ito ang nagiging ugat ng problema sa sobrang asukal sa katawan.
- Diabetis, dahil ang insulin ng katawan ay nagkukulang at naiiwan ang mga asukal sa dugo dahil sa sobrang dami nito.
- Maaaring kukulubot ang balat mo dahil sa pagkapit ng asukal sa mga protein sa katawan mo. Nakakasira ang mga ito sa collagen at elastin, na siyang nagdudulot ng kulubot sa katawan.
- Ang iyong atay ay tataba at masisira kalaunan dahil sa sobrang taba na dinadala ng insulin (na mas aktibo dahil sa sobrang asukal sa katawan).