Ni: Dave Calpito
Kung isa ka sa mga namomroblema ng iyong height o ng pigura ng iyong katawan, ang solusyon para rito ay ang tamang pagpili ng iyong isusuot.
Naririto ang ilang mga tips na pwede mong ikonsidera para ma-achieve mo ang look na gusto mo kahit ikaw ay hindi matangkad o payat:
Photo by Sebastian Voortman from Pexels |
Sa halip na sandals o flat shoes, makatutulong kung gagamit ka ng may heels na sapatos.
Gumamit ng kasuotang mayroong pataas o patayong stripes. Tandaan: mas nakakaliit at nakakataba pa kung ang suot mo ay may pahigang stripes.
Makatutulong din kung ang iyong suot ay may iisang kulay.
Pumili rin ng damit na may madidilim na kulay, kagaya ng itim, sapagkat nakakatangkad at nakakapayat ito.
‘Wag gumamit ng sandals na may straps na umaakyat pataas sa iyong paa. Muli, mas tataba at liliit ang itsura mo rito.
Isang malaking bagay rin kung may confidence ka. Alisin mo ang pakiramdam na para bang ikaw ay nalulunod kapag nakasabay mo na ang mga payat at matatangkad.