Paano Magkaroon ng Self-Confidence o Tiwala sa Sarili

Ni: Dave Calpito

Maraming mga indibidwal ang may iisang problema: Wala o kulang ang tiwala sa sarili.

Photo by juan mendez from Pexels

Ika nga, hindi bale nang hindi magara ang iyong pananamit, basta madadala mo nang husto. Oo, totoo iyon. Kung iniisip mong maganda o guwapo ka, hindi na gaanong mahalaga kung simple o magara ang iyong damit.

 

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin para mapataas mo ang level ng iyong self-confidence:

 

  • Mahalagang laging maging masaya. Kung masaya ka, magre-reflect ito sa iyong itsura at sa iyong tiwala sa sarili, sapagkat lumalabas ang mga tinatawag na happy hormones. Sa pamamagitan nito, mas madadala mo nang husto ang iyong damit.

  • Maigi rin kung magkaroon ng idolo. Magkaroon ng self-confidence na kasing-taas ng iyong idolo. Sa pamamagitan din nito, nagkakaroon ka rin ng bagong inspirasyon sa pagpili ng iyong mga kasuotan na pasok sa iyong panlasa.

  • Isipin mong ikaw ay nag-i-standout. Muli, kung sa tingin mo ay ikaw ang pinakamaayos ang itsura sa iyong mga nakakasama, siguradong lalabas iyon sa iyong itsura.

  • Maganda rin kung pumili ng kasuotang swak na swak sa iyong personalidad at pigura ng iyong katawan, nang sa gayon ay mas madadala mo nang husto ang iyong sarili.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section