Senyales ng magandang kalusugan ang pagkakaroon ng natural glow. Makikita sa ating balat ang malusog na pangangatawan. Ngunit paano ba natin makakamit ang isang healthy-glowing skin?Photo by Ron Lach from Pexels
Pinakamabilis at madaling paraan ng pagkakaroon ng isang glowing skin ay ang pag-inom ng walong baso ng tubig, o higit pa, araw-araw. Ito ay upang maging well-hydrated ang ating balat.
Umiwas sa pagkain ng mga produktong may artipisyal na sangkap. Mas mainam ang pagkain ng whole foods o mga pagkaing fresh, tulad ng gulay at prutas. Ugaliin din ang pagkain ng whole grains, mani, at legumes upang makasiguro na nakakatanggap ang iyong katawan ng sapat na mineral at bitamina.
Iwasan ang stress. Mas magiging youthful at fresh ang iyong itsura kung ikaw ay iiwas sa mga bagay na maaaring idulot ng pagkastress. Kung makaramdam man ng stress, mas mabuti na i-treat ang iyong sarili tulad nang pagsa-shopping, pagpunta sa salon, o pagpapamasahe ng katawan.
Matulog ng sapat na oras. Ito ay isa rin sa tip na ibinibigay ng karamihan upang makamit ang malusog at glowing skin. Ang pagtulog ng sapat na oras ay isang importanteng hakbang upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.