Ni: Dave Calpito
Isa ka ba sa mga magulang na nahihirapang maging "close" sa kanilang mga anak?
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels |
1) Makisabay sa kanila sa pagkain.
Bagama't busy ka, malaking bagay tungo sa pagkakabuklod ng pamilya ang sama-samang pagkain.
2) Basahan mo ang iyong mga anak ng mga kuwento. Kung maliliit pa lang ang iyong mga anak, isang magandang bonding activity ang pagbabasa mo ng kuwento sa kanila.
3) Mag-ehersisyo nang sama-sama. Gaya ng pagkain nang salu-salo, mas mapapalapit ka rin sa iyong mga anak kung nakikisabay ka sa kanila sa pag-e-ehersisyo.
4) Turuan ang iyong mga anak sa paggawa ng homework. Hindi lang ito magandang bonding activity, benepisyal din ito para malaman mo ang kanyang progreso sa eskwelahan.