4 Na Benepisyo ng Pag-aaral ng Free TESDA Online Courses

Ni: Dave Calpito

Hanggang ngayon, patuloy na nag-o-offer ang TESDA ng free online courses sa sino mang may gustong mag-enroll at mag-aral, basta Pinoy.


Naririto ang ilang mga benepisyo ng pag-aaral ng libreng online courses sa TESDA sa ilalim ng TESDA Online Program o eTESDA.

Una, maraming pwedeng pagpipiliang mga kurso, mula sa Information Technology, Cooking, Automotive, Housekeeping, Electronics, at marami pang iba -- sakto ang mga ito kung gusto mong palawakin ang iyong kaalaman o matuto ng bagong skills.

Ikalawa, siyempre online ang mga ito. Kahit pa nasa loob ka ng iyong tahanan, posible pa ring mag-aral sa ilalim ng eTESDA. Mas safe na kaysa face-to-face, naitutuon mo pa ang atensiyon mo sa mas produktibong bagay kaysa sa krisis naka-pokus.

Ikatlo, libre ang TESDA courses sa TESDA Online Program. Yes, zero payment ang mag-aral dito. Pero siyempre, kailangang meron kang gadget, kagaya ng kompyuter, cellphone, o tablet at Internet connection.

Ikaapat, makakakuha ka ng certificate mula sa TESDA na gagamitin mo later on sa pagkuha mo ng National Certification II at pang-apply siyempre sa trabaho. Muli, maraming TESDA free online courses 2021 with certificate kang pagpipilian.

Ngayon, paano mag-sign-up o mag-enroll? Madali lang at online ang pagsa-sign-up dito. Pumunta ka lang sa e-tesda.gov.ph at sundan mo lang ang instructions sa nasabing website.

Tara at mag-aral!

Post a Comment

5 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
  1. Paano po kumuha ng NC3 FOR DRIVING

    ReplyDelete
  2. Hii pano po ako mag resda po dito, kaya lang po dipo ako nakapag tapos ng grade 1.tas wala papo ako birth certificate, dahil dipo ako naka rihistro,paano po ba sumali dito gusto kulang po makapag to tapos sa online tesda po ng isang magandang course,��

    ReplyDelete
  3. may free training po ba after mo matapos ang online course na pinili mo?like sa housekeeping po

    ReplyDelete

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section