Ivana Alawi, positibo sa COVID-19; 2 kapamilya, nagpositibo rin

Ni: Dave Calpito

Nag-positibo sa COVID-19 si Ivana Alawi at iba pang mga kapamilya. Ito ang malungkot na ibinahagi ng sikat na aktres at vlogger sa kaniyang latest vlog sa YouTube.

Screenshot: Ivana Alawi / YouTube

Ayon sa aktres, unang tinamaan ng nasabing sakit ang kanilang inang si Mama Alawi na noong una'y dalawang negative ang resulta ng mga tests, ngunit sa ikatlong test ay nagpositibo ito.

Naiiyak na kuwento ni Ivana na noong nalaman ng kanilang ina na siya ay nag-positibo, una pa raw niyang tinanong ang resulta ng mga anak, partikular na si Mona kaysa sa alalahanin ang sarili.

Makaraan ang dalawang araw, sumunod na nag-positibo si Ivana at kinalaunan ay ang kapatid ding vlogger ng aktres na si Hash Alawi.

Kuwento ng aktres, sobra siyang nag-iingat para hindi tamaan ng sakit, ngunit natamaan pa rin siya ng nasabing sakit kasama ng mga kapamilya.

Sa isang bahagi ng vlog, binanggit niya na lubos ang kaniyang panalangin na huwag mahawaan ang kapatid na si Mona.

"Wag lang talagang si Mona kasi hindi na niya kaya. Ang dami na niyang sakit," ika ng aktres.

Kaya naman, laking pasalamat ni Ivana at hindi nahawa ang kapatid na si Mona.

Payo niya, laging mag-suot ng mask at paalala niyang huwag "mag-break" ng batas.

"You have to take responsibility and you have to take accountability," dagdag pa niya.

Mariin ding pinaalalahanan ni Ivana ang viewers na kung exposed sa taong may COVID-19, huwag nang labas nang labas, sa halip ay mag-isolate na lamang. Dagdag pa niya, kailangan ding magpa-test.

Sa pagtatapos ng video, hindi pa rin tuluyang magaling sa nasabing sakit si Ivana. Gayunpaman, nagpapasalamat siya at buhay silang lahat. Para sa kaniya, iyon daw ay malaking blessing.

Via: Ivana Alawi / YouTube

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section