Top 10 Gift Ideas Para Sa Iyong mga Minamahal Ngayong Pasko

Isa sa mga nakakapagbigay ng hassle sa mga tao sa tuwing sasapit ang pasko ay kung ano ang magandang regalo sa ating mga minamahal.

Kaya naman, para 'wag masyadong ma-stress, naririto ang ilang mga ideya na pwedeng-pwede mong ikonsiderang magandang regalo sa pasko:

1) Mobile phone. Siyempre, nangunguna rito ang mga cellphone. May iba-ibang brands ng cellphone na available sa ngayon. At good news: dahil magpapasko, pihadong marami-raming bagsak-presyo na mga cellphone. Siguradong matutuwa ang sinumang mapagbibigyan mo nito.

2) Gift certificate vs gift card. Kung wala ka namang maisip na gustong matanggap ng taong reregaluhan mo, pinaka-safe na lang ang bigyan siya ng gift certificate vs gift card, para siya na lang ang bahalang pumili ng kanyang gusto gamit ang GCs na ibinigay mo.

3) Appliance. Kung regalo sorpresa ideas naman sa mga magulang ang hinahanap mo, swak ang appliances.

top 10 gift ideas

Halimbawa, the best ang bagong TV, ref o kung ano ang sa tingin mo ay kailangang-kailangan sa inyong tahanan.

4) Gaming Consoles. Kung naghahanap ka naman para sa iyong mga tsikiting, ang consoles ay usung-uso ngayon. May kamahalan, ngunit "priceless" ang kapalit na ngiti mula sa iyong mga minamahal.

5) Trip Tickets. 'Wag kalimutan ang iyong one and only. Ang bakasyon, sa piling niya at ng inyong mga anak, ang pinakamahalagang pwede mong iregalo ngayong pasko sa kanya. Sigurado, mas mapapalalim pa ang inyong pagsasamahan. Buy disneyworld tickets, halimbawa, para mas lalong mag-eenjoy ang buong pamilya.

6) Gift tree gift baskets - Okay ito sa ating mga magulang at mga kapatid. Siguradong masu-surpresa sila sa mga laman ng gift basket, kagaya ng mga prutas, chocolates at marami pang iba.

7) Fashion Accessories -- Kung magreregalo ka naman sa iyong mahal na buhay na mahilig sa fashion, maiging bilhan siya ng mga regalong kagaya ng stylish scarves o gloves, trendy sunglasses, quality watch, customized jewelry, o personalized accessories.

8) Board Games o Puzzles -- Para naman sa mga bata o sa ating mga anak, maiging bumili ng trivia o quiz games, strategy board games, o puzzle sets.

9) Spa at Relaxation Gifts -- Para sa ating mga asawa o 'di kaya sa ating mga magulang, deserve nilang mabilhan halimbawa ng spa gift baskets, massaging cushions, aromatherapy diffusers na may essential oils at marami pang ibang pampa-relax.O 'di naman kaya, regaluhan mo sila ng spa passes mismo.

10) Books o Novels -- magandang regalo rin naman ang mga bestselling novels o books kung ang reregaluhan mo ay mahilig magbasa.

Tandaan: Hindi mahalaga kung ano ang iyong mga ireregalo. Maigi nga, kung medyo nasa tight budget ka ngayon, ay personalized / customized na lang ang iyong ibibigay. Ang mahalaga, galing sa iyong puso.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section