Isang buwan matapos ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement, opisyal nang mag-asawa ang aktor na si Zanjoe Marudo at aktres na si Ria Atayde.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ikinasal ang dalawa nitong Sabado, March 23, sa pamamagitan ng isang civil wedding na isinagawa sa opisina ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Bukod sa mga kapamilya, present din sa kasal ng dalawa ang ilan nilang mga malalapit na kaibigan. Siyempre, hindi mawawala sa kanilang pag-iisang-dibdib ang mag-asawang Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Ginulat ni Zanjoe ang lahat ng mga fans, pati ilang mga celebrities, nang mag-post ito kamakailan lang via Instagram kung saan tinawag niyang "WIFE" si Ria.
"Happy Birthday MY WIFE," ika niya sa kaniyang handle na onlyzanjoemarudo.
Nag-react naman siyempre sa post ang ilang mga celebrity friends ni Zanjoe, kabilang sina Patrick Garcia at Angelica Panganiban.
"Congratulations!!" sabi ni onlypatrickgarcia.
"Uy wife!! Congrats mr mrs marudo," ika naman ni iamangelicap.
Winelcome naman ni Gela Atayde sa pamilya si Zanjoe.
"Welcome to the family kuya," ika ni ataydegela .
"OMGGGGGGG," sabi naman ni isabelledaza.
Matapos ang kasal, nag-celebrate naman ang ilang mga kaibigan at kapamilya ng dalawa sa Batangas.