Talagang iba na ngayon ang henerasyon. Lipas na ang mga araw na babae na lang ang “conscious” sa kanilang itsura. Ngayon, pati na rin mga lalaki. Kunsabagay, ang uso ngayon: “Kung sumunod ka, ‘in’ ka!”
Naririto ang ilang tips para sa mga lalaking fasyonista:
Magpa-advice. Kung may badyet ka, mag-hire ka ng iyong sariling “stylist.” Kung wala naman ay sa ka-tropang mayroong mas magandang “taste” sa fashion kaysa sa iyo. Libre pa.
Gumamit ng accessories. Ang mga aksesorya, kagaya ng scarf at necktie, ay usung-uso ngayon. Ang “fisherman’s sweater” at “hat,” gayundin ang eleganteng relo ay maganda ring isama sa iyong suot.
Magsuot nang simple pero hindi masyadong kaswal na mga damit. Baka ka malito sa simpleng pananamit. Ito yung pagsusuot ng simpleng damit pero walang gaanong aksesorya. Iyong masyadong kaswal naman, iyon yung pagsusuot ng faded jeans, halimbawa. Para mabago ang itsura, magsuot din ng stripes na pang-itaas at “neatly looking” naman na pantalon.
Siyempre pa, kailangan ng umaapaw na “confidence” sa lahat ng pagkakataon. ‘Wag matakot na mag-stand out!