Fashion Tips na Maaaring Sundin ng mga Babaeng Hindi Katangkaran

Ikaw ba’y hindi katangkaran? Kung oo, malaki ang posibilidad na ang problema mo ay ang tama o wastong isusuot para magmukhang mas matangkad at mas payat. Tama ba?

Kung gayon, halina’t basahin ang mga sumusunod:


Magsimula sa pagpili ng mga isusuot na “under the clothing.”


Kailangan, magsuot ng “bra” na may tamang sukat. Siyempre, sino ba namang magiging “confident” kung ang strap ng kanyang pangloob ay palaging nahuhulog? Kumbaga, bawas sa kumpiyansa sa sarili pa ‘yon.


Ikonsiderang magsuot ng “outfit” na may iisang kulay


Ang madidilim na kulay ay mayroong epekto na nakakapayat at nakakatangkad. Ikonsidera ang tip na ito at siguradong magmumukha kang mas matangkad at payat kaysa sa dating itsura.


Ikonsidera rin ang linya ng suot.


Tandaan: ang pahalang o pahigang linya ay nakakaliit at nakakataba pa. Bumili ng dress na may patayong stripes, halimbawa.


Gumamit ng sandals / sapatos na may malaking heels.


Hindi lang ito literal na nakakatangkad, kundi talagang mayroong ilusyong dulot ito na magpapanipis at magpapatangkad sa’yo. ‘Wag lang magsuot ng may straps na umaakyat pa pataas sa iyong paa, dahil mawawalan lang ng purpose ang mga patayong linya sa iyong damit ‘pag ganoon.


Hayan, simulan mo na ang paghahanap ng mga damit na aakma sa mga nabanggit sa itaas. Goodluck!


Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section