5 Family Bonding Tips Para Sa Mga Busy Parents

Para sa maraming magulang na busy sa trabaho, tila mas mahirap ang makahanap ng tiyempo para maka-bonding ang kanilang mga anak. Paano nga ba babalensehin ng mga working parents ang kanilang trabaho at oras sa pamilya?

Narito ang 5 simpleng tips kung paano:

1. Ihiwalay ang trabaho sa bahay. Pagtuntong mo sa bahay, dapat ay iwan mo na sa labas ng pinto ang lahat ng iyong problema sa trabaho.

2. Mag-spend ng quality time kasama ng iyong mga anak. Sa pamamagitan nito, malalaman ng iyong mga anak na importante sila sa’yo.

3. Magkaroon ng family day. Sa pamamagitan nito, mas magiging matibay ang inyong pagsasama bilang pamilya.

4. Umattend ng mga school events hangga’t kaya mo. Hindi man posibleng makadalo ka sa lahat ng school events ng anak mo, ang pagpunta mo sa abot ng iyong makakaya ay isang paraan upang maipakita mo ang suporta sa iyong anak.

5. Maging ‘kaibigan’ ng iyong mga anak. Kahit na busy ka sa trabaho, ‘wag mong kalimutan ang pagiging magulang sa iyong mga anak. Maging friendly ka sa kanila sa paraang kaya nilang sabihin ang lahat ng kanilang nararamdaman.


Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section