Ngayong selebrasyon ng Mother’s Day, tiyak na marami na namang nag-iisip kung paano mas pagtitibayin ang kanilang relasyon sa kanilang ina.
Ayon sa pag-aaral ng flower firm na Interflora, 27 ang average na edad para sa mga lalaki at 26 naman para sa mga babae kung kailan nagiging matibay ang relasyon ng mga ito sa kanilang mga nanay. Sa nasabi ring pag-aaral, inilabas nila ang ilang paraan kung paano daw magkakaroon ng "perfect" relationship ang mga anak sa kanilang mga ina
Ang mga nasabing resulta ng pag-aaral ay ang mga sumusunod. Sa loob daw ng isang buwan, ang mag-ina ay dapat na:
- 1 beses na lumabas na magkasama o mag-night out,
- 2 beses na mag-dinner magkasama,
- 7 beses pag-usapan ang mga bagay tungkol sa relasyon,
- 10 beses dapat mag-usap tungkol sa mga problema,
- 11 beses makipag-usap ng harapan,
- 13 beses magkaroon ng joke at laughing moments, at
- 13 beses makipag-usap sa telepono.
Dagdag ng brand manager ng Interflora na si Bethany Day, nais daw nilang mas maging malapit ang mga anak sa kanilang mga ina.
"With the ever-increasing pressure of hectic daily lifestyles, it is often difficult to maintain a strong connection with our mums,” ika ni Day.