Usapang Facebook Content Monetization po tayo. Specifically, pag-uusapan po natin ang tungkol sa pagpo-post ng screenshots sa ating Facebook accounts.
Madalas, nakakakita tayo ng content creators na nagpo-post ng screenshots ng kanilang earnings, halimbawa.
![]() |
| Photo: Pixabay / geralt |
Ang tanong: may kita ba sa Content Monetization ang simpleng screenshot lang?
Hindi ba ito labag sa policies ng Facebook Content Monetization?
Kung monetized ka na ni "Meta" under Content Monetization, 'para sa iyo ang post na ito.
Ang Sagot
Kung simpleng screenshot lang, halimbawa ng iyong earnings, ang ipinost mo sa account mo, HINDI AUTOMATIC kikita iyan. At kahit pa ginawa mo itong overlay sa isa pang picture mo -- kumbaga "picture within a picture" style o format -- o yung nakikita natin na may maliit na screenshot ng earnings sa gilid na nakapatong sa isa pang picture, hindi pa rin automatic na kikita iyan at still considered LOW-QUALITY o REUSED CONTENT kung wala kang idinagdag na value sa post na iyon.
The key is, DAPAT MAGLAGAY KA NG EXPLANATION o CAPTION at siguraduhing VALUABLE at INFORMATIVE ang iyong post para ito magka-earning.
Kahit palitan ang filename, reused content pa rin
Isa pang ginagawa ng ilan ay pinapalitan lang ang file name ng screenshot nila para raw hindi ito ma-detect ng Facebook.
Ang sagot dito, posible pa ring hindi kikita sa ganitong trick.
Kahit palitan mo ang filename, halimbawa Screenshot_456.png to FBearnings.jpg, considered reused content pa rin ito ng FB.
Gumagamit ng advanced AI ang Facebook na nagde-detect sa mismong larawan at hindi lang sa file name ng image.
Bottom line, kung gusto mong mag-upload ng ganitong content -- dahil nga naman nakakataas ng curiosity at engagement ang mga post na ganito -- tandaan, gawin mo ang mga sumusunod na hakbang:
- I-explain mo ang screenshot
- Bigyan mo ng value
- Gawan mo ng istorya sa likod ng post na ito, na siyempre base pa rin sa totoo
Ngayon, hindi ka na lang simpleng nagpo-post o hindi na lang mukhang nagfe-flex lang ang post mo, nakakatulong ka pa o nag-iinform ka pa sa audience mo. At dito, lumalaki ang ating followers, dahil mas maraming nagtitiwala sa atin.
Muli, tandaan:
Screenshot + value = POTENTIAL INCOME sa ating Facebook Content Monetization.
Kung nakatulong ang post na ito, i-share sa mga kakilala.

