May bagong update na naman ang Facebook... and this could either BOOST your earnings or could AFFECT your reach sa mga ina-upload mong reels.
![]() |
| Photo: Pixabay / cyberco |
So, read carefully.
Kung monetized ka na sa Facebook Content Monetization, this post is for you. Lalo na kapag reels ang mas ina-upload mo sa acccount mo.
THE BIG CHANGE
Recently, nag-update nga ang Facebook, and it is now focusing MORE on:
- Longer watch time
- Qualified views
- At siyempre pa, ORIGINAL content.
Ang ibig sabihin nito, hindi sapat na maraming views ang iyong uploaded reels. KAILANGANG PINAPANOOD DIN TALAGA NG VIEWERS ang video mo.
To break this down, para mas malinaw sa iyo, mas preferred na ni Facebook ngayon ang mga sumusunod:
- Reels na 10 seconds and above ang haba
- Kailangang nanood ang viewers mo at least 5 seconds
WHAT DOES IT MEAN?
Ibig sabihin nito, kailangan mong mag-focus sa CONTENT QUALITY.
Hindi na pwede yung reel na boring ang intro, walang hook, at mabilis lang o less than 10 seconds. Hindi ka kikita kapag ganito ang ina-upload mong videos.
Kailangan, unang part pa lang ng video mo, HOOKED na agad ang audience mo.
TIPS
To increase quality sa reels mo, basahin ang tips sa ibaba.
- Pagandahin mo ang hook mo -- gumamit ng shocking statement sa simula, tanong, o relatable situation. Halimbawa: "Alam mo ba na hindi ka na kikita sa Facebook kapag ganito ang videos mo?"
- Siguraduhing may audience retention sa video mo o mas nag-i-stay nang mas mahaba ang nanonood ng video mo. Paano? Gumamit ng storytelling, magdagdag ng captions, at mag-build ng curiosity hanggang dulo.
- I-check mo ang insights mo. Bisitahinlagi ang iyong post analytics. Alamin kung saang part nagsa-swipe left ang iyong viewers, at i-improve ang part na iyon.
- Mag-upload ng ORIGINAL CONTENT. Tandaan na mas ipinapakita ng Facebook ang videos ng creators na gumagawa ng kanilang sariling videos. Iwasan ang pagre-repost.
Kaya, kung napansin mong bumaba ang earnings mo sa ina-upload mong reels, ito marahil ang rason -- ang bagong update.
Kaya naman, i-apply ang tips sa itaas para makasabay sa update ni Facebook.
Comment down kung tingin mo ay GOOD o BAD ang update na ito sa mga creators. I-share din ito sa mga kakilala mong nagri-reels para hindi masayang ang kanilang efforts.
ALSO, READ THIS RELATED POST:

