5 Pagkaing May Healthy Fats, Alamin; Pagkain Para sa Puso, Utak, at Overall Health

Para sa mga nagda-diet, ang pagkain ng matataba at mamantikang pagkain ang pinaka-iniiwasan. Ngunit hindi lahat ng klase ng fats ay masama sa katawan. Sa katunayan, maraming mga pagkain na may healthy o good fats na nakakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan. 

Photo: Pexels / Xhemi Photo

Alamin kung anu-ano ang mga pagkaing ito at paano ito nakatutulong.

Avocado – mainam ang healthy fats ng avocado para sa puso, sa mga may osteoarthritis, at upang mas mabilis ma-absorb ng katawan ang mga nutrients.


Isda – mayaman ang isda sa omega-3 fatty acids na nakatutulong sa katawan at sa pagpapabuti ng ating puso.

Itlog – mayaman sa omega-3 fatty acids at protina ang itlog. Gayunpaman, isang itlog lamang kada araw ang nararapat mong kainin.

Olive oil – gaya ng mga seeds, mataas din sa good fat ang olive oil. Siguraduhin lamang na tama ang magiging konsumo mo nito.
 
Seeds – kung mahilig ka sa butong pakwan, butong kalabasa, buto ng sunflower o sesame seeds, ipagpatuloy mo lang ang pagkain. Nakatutulong ang mga ito sa pagpapababa ng cholesterol na masama sa katawan.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section