Mga Benepisyo ng Pagkakaroon ng Pet Dog

Photo: Pexels / Joaquin Reyes Ramos

Hindi lang ang pagiging man's best friend ang benepisyo ng pet dog. Marami rin itong mga iba pang benepisyo sa kalusugan ng tao.

Naririto ang ilang mga benepisyo:

Nakababawas sila ng stress


Isang pag-aaral din ang nagpatunay na talagang nakakabawas ng stress levels ng dog owners ang mga aso. Mas nagkakaroon din umano ng mas magandang mood ang isang indibidwal.

Nakakabawas ng anxiety


Nakapagbibigay umano ng comfort ang mga aso sa mga owners. Maganda silang companion.

Ginagawa kang mas aktibo


Gustung-gusto ng mga aso ng paglalakad-lakad at paglalaro. Dahil doon, mas nagkakaroon ka ng pagkakataong magkaroon ng physical acitivities na beneficial sa iyong kalusugan.

Nakaka-detect sila ng cancer


Alam mo bang may pag-aaral na ginawa na kayang i-detect ng mga aso ang pagkakaroon ng cancer ng isang indibidwal? Naniniwala ang mga eksperto na kaya nitong i-detect ang iba't ibang mga cancer, kagaya ng lung cancer, breast cancer, colon cancer at iba pa. Gayunpaman, misteryo pa rin kung papaano nila ito nagagawa.

Ilan lamang ito sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng pet dogs. Iba talaga ang sayang dulot ng mga aso sa mga tao.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section