Gusto mo bang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay? Magandang ideya iyan, dahil marami-rami itong mga benepisyo sa iyong overall health.
Naririto ang limang tips upang magkaroon ka nito:
(1) Simulan ang iyong. bawat araw nang may determinasyon. Hindi masamang magkaroon ng morning rituals para mapatatag ang sarili. Kumanta ka man ng "It's my Life" ni Bon Jovi o "This is the Moment" ni Eric Santos, okay lang. Basta magbaon ng good vibes sa kung saan ka man patutungo -- sa eskwela man o sa trabaho.
(2) Matutong i-motivate at patatagin ang sarili. Ang pinakamalakas at matitibay nating kakampi ay ang ating mga sarili. Matutong mag-pep talk sa sarili at mag-aral ng coping mechanisms upang mas tumatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Panoorin mo ang video na ito dahil nakakatulong ito para magkaroon ng positibong pananaw sa buhay:
(3) Pigilan ang mga negatibong kaisipan bago pa man sila pumasok sa ating isipan. Huwag hayaang tumagal ang mga negatibong bagay sa iyong kaisipan. Think positive at huwag magpapadala sa sinasabi ng iba at sa sariling mga agam-agam.
(4) Makipag-kaibigan at matutong i-appreciate ang iba. Makipag-kaibigan sa mga taong may positibong pananaw sa buhay. Madalas na nakakahawa ang optimism at madali rin itong kumalat sa ibang tao, lalo na sa mga malalapit sa iyo. Spread the good vibes, 'ika nga.
(5) Tumawa at matutong magpatawa. Relax ka lang at magpasalamat sa bawat biyaya ng buhay. Lahat ng bagay ay may katuturan. Ang isa sa pinakamainam na pangontra sa malas at bad vibes ay ang pagtawa at ang pagiging masayahin. Nakakabata rin ito at nakakapagpagaan ng loob, hindi lang sa sarili pati na rin sa iba.
Isa sa mga pangunahing hangarin ng karamihan ay ang maging masaya sa buhay. At ang unang hakbang tungo rito ay ang pagkakaroon ng positibong pananaw. Tumawa. Humalakhak. At magpasalamat sa Panginoon.

