Enjoy mag-blog...at napagkakakitaan din.
![]() |
| Photo: Pixabay / StockSnap |
Hindi na bago ngayon ang pagba-blog. Sa mga hindi pa nakaka-alam, ang blogging ay parang nagsusulat ng iyong journal, ngunit sa isang online platform o portal (hindi sa isang kwaderno). Dito, maaari kang mag-blog ng kahit anong paksa, pero siyempre, para mas malaki ang iyong mahahatak na audience, kailangan ding pagtuunan din ng pansin ang pagpili ng iyong paksa (na tatalakayin sa ibaba).
At, kagaya ng nabanggit sa itaas, ito rin ay maaaring pagkakitaan.
Naririto ang ilang mga hakbanging maaari mong sundin para makagawa ng blog at kumita gamit ito:
Gumawa ng isang website -- Sa mga baguhan, maaaring gumamit ng mga libreng tool para makagawa ng iyong sariling website / blogsite -- ang Blogger at Wordpress ay ilan lamang sa mga ito. Iyong nga lang, nakakabit sa domain name na blogspot.com o wordpress.com ang iyong magagawang website (halimbawa'y tipsallyoucan.blogspot.com sa halip na tipsallyoucan.com). Ngunit, kung pipiliing gumamit ng sariling domain name, kailangan mo itong bilhin, halimbawa sa godaddy.com (bukod pa roon ang webhosting fee nito, halimbawa sa hostagor.com). Manood lang sa YouTube ng tutorial kung paano makagawa ng website. Meron na ring ready websites na pwede na ring bilhin.
Regular na mag-post ng blog entry -- Siyempre, para makaipon ka ng regular na mga tao na bibisita sa iyong blogsite, kinakailangan mong magsipag sa pagpo-post ng mga blog entries. Ang araw-araw na pagpo-post ay malaking bagay.
Piliin ang keyword at paksa -- Kapag nagsusulat ka, mayroon ding kaunting technicalities na kailangang sundin. Halimbawa, pumili ng paksang siguradong maraming nagse-search online (halimbawa, "how to make money"). At para masigurong maraming tao ang iyong mata-target, i-tsek mo kung mataas ang rate in iyong keyword na gagamitin sa loob ng iyong artikulo, gamit ang online tools kagaya ng wordtracker.com.
I-promote ang site sa Social Networking Sites -- Malaking kontribusyon ang naidudulot ng pagse-share ng iyong website sa social networking sites, kagaya ng Facebook. Dito, siguradong may mahu-hook ka nang audience sa iyong website.
Maglagay ng product links -- Isa sa money-making strategies ng mga blogsite ay ang paglalagay ng product links sa iyong mga blogs. Halimbawa, ire-refer mo sila na bibilhin ang isang partikular na produkto sa pamamagitan ng pagpunta sa link na ibinigay mo sa iyong artikulo. Siyempre, ang link na ito ay iyong sariling affiliate links, halimbawa, sa Shopee para siguradong may komisyon ka 'pag bumili ang isang end-user ng iyong blogsite.
I-apply din ito sa Google Adsense at kumita sa pamamagitan ng ads.
Madali lang gumawa ng isang blogsite. At, kung hahaluan mo ng pagsisipag sa pagpapaganda pa ng iyong blogsite, siguradong mas malaking reward din ang kapalit nito.

