Tips Para Maging Masaya? Maging Organisado at Kuntento


Sa mabilisan at paspasang takbo ng buhay ngayon, hindi na natin alam kung paano natin sisimulan ang ating mga gawain.



Kaya naman, minsa’y nalulungkot tayo dahil hindi natin natatapos ang mga dapat nating gawin.

Ngunit kung tayo’y organisado, mabibigyan tayo nito ng pangmatagalang kasiyahan. Bakit? Alamin:

  • Kung tayo’y organisado, magiging masaya tayo dahil nagagawa nating matapos ang ating mga gawain sa takdang panahon. Ang pakiramdam na natatapos natin ang ating mga gawain ay nagbibigay ng kasiyahan sapagkat binibigyan tayo nito ng dagag-kumpyansa sa sarili. Kung may sapat na tiwala tayo sa ating mga sarili, taas-noo tayong makakaharap sa ibang tao na may matamis na ngiti sa ating mga labi.
  • Ang pagiging organisado ay nakapagpapasaya sa atin dahil nagiging produktibo tayo. Kung tayo ay productive, marami pa tayong ibang gawaing maaaring matapos. Ika nga ng ilan, maikli lang ang ating buhay, kaya naman marapat lamang na gawin na natin ang mga bagay na makapagbibigay ng kasiyahan sa atin.

Maging Kuntento Buhay – Isa Pang Paraan Para Maging Masaya

Marahil ay naitatanong natin sa ating mga sarili: Bakit ang ilang pamilya ay nakukuha pa ring ngumiti kahit hindi ganoon katiwasay ang kanilang pamumuhay? Isa lang ang sagot riyan: Dahil kuntento sila sa kung ano ang meron sila.

Bakit nga ba nagbibigay ng kasiyahan ang pagiging kuntento sa buhay ng isang tao? Naririto ang ilang mga dahilan:

  • Kapag kuntento ka sa buhay mo, hindi ka na naghahangad ng mga bagay na alam mo namang imposible mong makamit. Hindi ito dapat ihalintulad sa kawalan ng pangarap. Ang pagiging kuntento ay pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap natin, gaano man ito kaliit. Kung kuntento tayo, laging mamumutawi ang mga ngiti sa ating mga labi dahil nararamdaman natin na tayo’y mapalad.
  • Masaya ang mga taong kuntento sa buhay dahil hindi nila ikinukumpara ang kanilang buhay sa kung anong meron ang ibang tao. Kung lagi tayong nagkukumpara, lagi nating mararamdaman na may kulang sa ating buhay. Dahil pakiramdam natin ay laging may mas nakatataas sa atin. 

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section