Ito Ang Mga Benepisyo Ng Pagtawa (At Mga Paraan Para Maging Masaya)

Alam mo bang isa sa pinakamabisang pamamaraan para maging healthy ay ang pagtawa, ayon sa mga eksperto?

Base sa ilang mga pag-aaral, nakakatulong umano ang pagtawa para malabanan ang stress at impeksyon. Ito’y sapagkat naglalabas ito ng hormones sa katawan at natural na painkiller upang malabanan ang stress at iba pang sakit. Gayundin, pinagaganda rin umano nito ang sirkulasyon ng dugo sa katawan na nakatutulong upang mapalakas ang ilang organs at maiwasan ang impeksyon.

Naririto ang ilang mga paraan para maging masaya:

Manood ng comedy movies – Piliing manood ng mga programang nakakatawa, lalo na kapag kasama ang mga kapamilya o mga kaibigan.

Piliing makipag-usap sa mga taong masayahin o mahilig magkuwento ng mga nakakatawang bagay – Sa pamamagitan nito, nagiging positibo rin ang iyong pananaw sa buhay.

Makakatulong din kung ugaliing mag-ehersisyo at kumain ng mga masusustansiyang pagkain.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section