Sa panahon ngayon, hindi na uso na isang putaheng gawain o tungkulin lang ang nasa plato ng isang empleyado. Kadalasan, higit sa dalawa ang kinakailangang gawin, higit sa tatlo o lima ang kinabibilangang proyekto o higit sa dalawa ang ginagampanang papel sa trabaho.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Sa halip na magdaldal o magreklamo ka sa iyong trabaho o mga katrabaho, ipagpatuloy o simulan mo na lamang na gawin ang mga nararapat. Kapag puro reklamo ang lumalabas sa bibig mo, puro negatibo rin ang nakukuha o nada-digest ng utak mo. Sa halip na gumaan ang trabaho ay mas bumibigat ito.
Gumawa ng iskedyul ng mga dapat gawin.
Huminga nang malalim. Ipikit ang mata kahit limang minuto lamang. Kahit papano ay nakaka-refresh ito.
Simple lang ang mga ito, madaling pakinggan at isipin, pero minsan mahirap gawin. Kailangan mo lang ikondisyon ang sarili mo sa mga paraang ito para maiwasan ang stress.