Mga Paraan Para Makapag-relax, Alamin

Photo by Noelle Otto from Pexels

Isang bagay o habit na kailangang matutunan ng isang indibidwal nang sa gayon ay makaiwas sa ilang mga sakit, gayundin para mapaunlad ang kanyang sarili, ay ang pagre-relax. 

Isama sa iyong mga target ngayong bagong taon ang routine na ito.

 

Kapag ikaw ay pagod na, halimbawa, sa trabaho, piliing magrelaks. Ang iyong dapat gawin para ma-relax ang iyong katawan ay ang maligo ng maligamgam na tubig. Kahit ang mga doktor ay inirerekomenda ito.

 

Maganda rin ang pagbabasa ng iyong paboritong komiks o magasin o ‘di kaya ang pagiging abala sa iyong hobby o nakahiligang gawain.

 

Kung malapit ka naman sa parke, maganda rin kung maglakad-lakad ka para makalanghap ng sariwang hangin at makarinig ng kanta ng mga ibon. Siguradong mapupuno ka ng saya kapag natuto kang i-appreciate ang kagandahan ng iyong paligid.

 

Isa pa’y nagagawa rin nitong mas malinaw ang iyong isipan para muling maging handa sa mga susunod na araw ng iyong buhay. -- DAVE CALPITO


Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section