JM Yosures, kampeon sa Tawag ng Tanghalan

Ni: Dave Calpito

May nanalo na!

Kampeon sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan ang pambato ng Taguig City na si JM Yosures, Pebrero 6.

Photo Credit: Tawag ng Tanghalan / Facebook


Si Yosures ang nagningning sa mata ng "madlang pipol" mula sa anim na mga naglaban-laban sa nasabing singing contest sa telebisyon.

Gayunpaman, tila nahaluan ng kontrobersiya ang kaniyang pagkakapanalo, sapagkat hindi siya ang winner para sa mga hurado. Bumawi si Yosures sa pamamagitan ng votes mula sa mga viewers.

Maraming mga viewers ang pumapalag sa naging resulta. Ngunit, marami rin ang sumusuporta sa desiyon ng publiko.

"Congratulations sa kampeon ng ika-apat na taon ng Tawag Ng Tanghalan at pambato sa kantahan ng South Signal, Taguig City na si JM Yosures! #TNT4AngHulingTapatan," ayon sa opisyal na Facebook page ng Tawag ng Tanghalan.

Samantala, trending worldwide ang nasabing grand finals.

Ikaw, anong masasabi mo sa nasabing resulta?

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section